Death toll sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City– umakyat na sa 132

Manila, Philippines – Umaabot na sa 132 ang death toll sa Marawi City kabilang ang 89 miyembro ng Maute Group.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla Jr, nasa 21 sundalo ang nasawi sa bakbakan at 72 ang sugatan.

Nasa tatlong pulis naman ang napatay at lima ang nasugatan habang 19 sibilyan ang nasawi.


Aniya, sa 89 napatay na Maute ‪ay 42 ang narekober ang mga bangkay.

Nakuha rin aniya ang 91 mga armas na karamihan ay matatas na uri ng mga baril.

Sinabi ni Padilla, na nasa 960 sibilyan ang na-trap at hinostage ng Maute ang nasagip habang mahigit pang 2,000 sibilyan ang target nilang mailigtas.

Kasabay nito, tiniyak ng AFP na walang sibilyan ang nasawi sa ginawang surgical air strike ng gobyerno.

DZXL558

Facebook Comments