Debate hinggil sa divorce bill, inaasahang gugulong sa Senado

Manila, Philippines – Inaasahang mabubuhay muli ang debate sa Senado hinggil sa divorce.

Ito ay makaraang kumpirmahin nina Senadora Risa Hontiveros at Pia Cayetano ang paghahain ng kani-kanilang bersyon ng nasabing panukala.

Una nang inihain ni Hontiveros ang Absolute Divorce Bill pero bigo itong lumusot sa 17th Congress.


Nakabase ang kanyang panukala sa psychological incapacity ng mag-asawa kung sinasaktan ang babae at may halong rape.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, bukas ang Senado para talakayin ang Divorce Bill.

Pero si Senate Majority Leader Migz Zubiri, matabang ang tingin sa panukala.

Kontra rin sa panukala si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa datos mula sa Philippine Statistic Authority (PSA) noong 2015, umabot na sa 1.21 milyong Pilipino ang hiwalay na sa kanilang asawa.

Facebook Comments