Debate sa pagitan nina Pangulong Duterte at Justice Carpio, hindi na kailangan – Panelo

Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi na kailangang makipagdebate si Pangulong Rodrigo Duterte kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio hinggil sa mga isyu sa West Philippines Sea.

Ito ang sinabi ni Panelo habang dinidipensahan ang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mismong hamon sa dating mahistrado.

Ayon kay Panelo, wala ng dapat pang pagdebatehan dahil naresolba na ang mga isyu.


Mismong si Carpio na aniya ang nagsabi na may mga kinuha ang China na teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel Ramos at dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ang pag-atras ni Pangulong Duterte ay hindi nagpapakita ng kaduwagan.

Aniya, hindi parehas ang lebel ng katalinuhan, estado at ranggo nina Pangulong Duterte at Justice Carpio.

Dagdag pa ni Panelo ang palitan ng mga pahayag nina Pangulong Duterte at Carpio patungkol sa West Philippines Sea ay ikinokonsidera ng debate.

Facebook Comments