Naialis na ang mga debris ng bumagsak na chopper ng Philippine National Police (PNP) sa San Pedro, Laguna.
Ayon kay Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, head ng Special Investigation Task Group (SITG) bell 429 – kagabi nang maialis ang mga debris sa lugar matapos na makumpleto ang documentation sa insidente.
Dinala sa hangar ng SAF Air Unit sa general aviation area sa Pasay City ang mga nakolektang debris.
Tiniyak naman ni Eleazar na babayaran ng pnp ang mga nasirang ari-arian ng mga residente dahil sa chopper crash.
Samantala, nakatutok ngayon ang task force sa pagkalap ng salaysay mula sa mga survivor at witness.
Bukas, magpupulong ang sitg kasama ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para talakayin ang mga nakuha nilang ebidensya.