Nag-abiso ang Philippine Space Agency ng posibleng pagbagsak sa loob ng teritoryo ng Pilipinas ng mga debris mula sa inilunsad na Long March 5 Y7 Rocket ng China kagabi.
Ayon sa PhilSA, posible bumagsak ang debris sa layong 97 nautical miles mula Dalupiri Island, Cagayan; at 113 nautical miles mula Sta. Ana, Cagayan.
Bagama’t hindi nakikitang babagsak ito sa lupa o inhabited areas, mapanganib naman ito para sa mga eroplano at sasakyang pandagat.
Facebook Comments