Hindi sang ayon ang Palasyo sa mungkahi ni Senator Imee Marcos na magpatupad ng debt moratorium sa harap ng COVID-19 crisis.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque walang plano ang pamahalaan na ipagpaliban ang pagbabayad ng utang nito.
Sianabi ni Roque, na mas magiging madugo kung lahat ng ating pinagkakautangan ay sabay sabay tayong sisingilin
Kasunod nito tiniyak ng kalihim na may sapat na pera ang gobyerno para tugunan ang COVID-19 crisis matapos itong pagkalooban ng kapangyarihan ng kongreso para makapag realign ng pondo.
Paliwanag pa ni Roque, kung hindi sasapat ang pondo ng pamahalaan ay magbebenta muna tayo ng mga ari-arian bago pumasok sa debt moratorium.
Facebook Comments