Isinusulong ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Henry Ong sa mga bangko na luwagan ang panuntunan sa pagbabayad at pagkuha ng utang ng mga magsasaka at mga mangingisda.
Giit ni Ong, ang mga mangingisda at magsasaka ang higit na apektado ang kabuhayan dahil sa matinding tag-init sa bansa.
Apektado aniya ang harvest ng mga ito dahil na rin sa epekto ng el niño kaya nararapat lamang na bigyan ng mga financial institutions ng kaluwagan ang mga magsasaka at mga mangingisda sa pagbabayad ng kanilang mga utang.
Hiniling ni ong na magkaroon ng condonation, debt restructuring, at iba pang pamamaraan na mabawasan ang bigat para sa mga farmers at fisherfolks sa pagbabayad ng loan.
Noong nakaraang taon lamang ay apektado ang mga magsasaka at mga mangingisda sa pagtaas ng inflation at hirap din ang mga ito sa pagbabayad ng utang sa bangko.