Opisyal nang idineklarang holiday ng Iraq ang December 25 o pagdiriwang ng Pasko.
Ito ay matapos aprubahan ng Iraqi Government ang batas na nagdedeklarang holiday para sa araw ng kapanganakan ni Hesukristo.
Nasa limang porsyento lamang ng populasyon ng Muslim dominated na bansa ang mga kristiyano.
Nabawasan pa ang mga ito dahil sa sunud-sunod na pag-atake ng mga armadong grupo.
Mas espesyal din ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon ng mga Iraqi Christians dahil anibersaryo rin ng pagkatalo ng teroristang Islamic state sa bansa.
Facebook Comments