Bumagal pa ang inflation, o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa pagtatapos ng taon.
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, naitala sa 3.9 percent ang inflation nitong December 2023.
Mas mababa ito kumpara sa 4.1 percent na naitala noong buwan ng Nobyembre.
Ito rin ang ikatlong sunod na buwan na bumaba ang inflation.
Sa kabila niyan, nasa 6 percent pa rin ang average na inflation sa buong 2023 na mas mataas sa target ng gobyerno na dalawa hanggang apat na porsyento lamang.
Pinaka-nakaapekto sa inflation ang pagsipa ng presyo ng bigas noong Setyembre ng nakaraang taon.
Facebook Comments