December 25 at 26, idineklara ng CBCP bilang National Days of Prayer para sa mga biktima ng Bagyong Odette

Idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang araw ng Pasko, December 25 at December 26 bilang National Days of Prayer.

Ito ay upang ipanalangin ang agarang pagbangon ng mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ayon kay CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, magkakaroon din ng second collection sa mga misa sa dalawang araw na nabanggit para sa pagpapatayo ng mga nasirang kabahayan.


Sinabi pa ni David na magbibigay ng mga update ang social action arm ng Simbahang Katolika na Caritas para sa pondo na ilalaan sa mga diocese sa Visayas at Mindanao na lubhang naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments