December inflation rate, posibleng maglaro sa pagitan ng 5.2 hanggang 6.0 percent base sa forecast ng BSP

Manila, Philippines – Posibleng makapagtala ng 5.2 percent hanggang 6.0 percent na pagbagal sa inflation rate ngayong Disyembre.

Base ito sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon sa BSP – Department of Economic Research, resulta ito ng pagbaba ng presyo ng langis, bigas, pamasahe sa jeep at bahagyang paglakas ng piso kontra dolyar.


Gayunman, maaari pa rin itong mahatak ng mataas na singil sa kuryente sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Meralco.

Pero ayon sa Central Bank, patuloy nilang mino-monitor ang galaw sa presyo at kondisyon ng mga domestic demand para masigurong maaabot ng bansa ang inflation target nito.

Matatandaang Nobyembre nang maitala ang 6 percent inflation rate na mas mababa kumpara sa 6.7 percent noong Setyembre at Oktubre.

Facebook Comments