Nagsagawa ng dredging at declogging operation ang Pozorrubio Municipal Environment and Natural Resources sa Imbelleng Creek upang makaiwas sa mga sakit na maaaring makuha sa maruming tubig.
Ang naturang creek ay dumadaloy sa limang barangay ng Imbalbalatong, Cablong,Poblacion I, Malasin at Tulnac at kabilang sa mga katubigan na binabatayan ng DENR Region 1 upang mapanatiling buhay ang kailugan.
Layunin ng aktibidad na paghandaan na ang tag-ulan upang malayang umagos ang tubig at ilang basura nang hindi pagmulan ng sakit.
Kasabay ng operasyon ang lingguhang clean-up drive sa bawat barangay na naglalayong mapanatili ang kalinisan sa bawat sulok ng komunidad.
Hinihikayat ng tanggapan ang bawat residente na maging kaisa sa pagpapatupad ng Kalinisan Day kada linggo bilang responsibilidad sa kalinisan ng komunidad |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









