DECLOGGING OPERATION SA MGA KANAL SA PAMILIHAN NG SAN CARLOS CITY, ISINAGAWA

Nilinis at tinanggal ang mga nakabarang dumi at putik sa mga kanal sa bahagi ng bagong pampublikong pamilihan ng San Carlos City.

Isinagawa ang nasabing declogging operation sa pangunguna ng Construction and Maintenance Division ng City Engineering Office.

Isa-isang binuksan ang mga drainage at tinanggal ang mga nakabarang bagay at mga basura.

Ang paglilinis na ito ay para matanggal rin ang hindi kaaya-ayang amoy na naidudulot nito lalo nasa pamilihan pa ang bahagi.

Mas magagamit rin ito upang maiwasan ang water damage, mold growth, mabahong amoy at isyu sa mga tubo sa nasabing pamilihan.

Facebook Comments