DECLOGGING OPERATION SA NAPAULAT NA OIL SPILL SA ISANG KANAL SA BAYAMBANG, ISINAGAWA

Nagsagawa ng malawakang declogging operation ang Engineering Office ng Bayambang matapos ang napaulat na oil spill sa sa isang kanal sa isang barangay.

Layunin na maiwasan ang kontaminasyon sa tubig dahil sa banta nito sa kalusugan ng mga residente at malinisan ang drainage system mula sa mga naipong basura.

Ipagpapatuloy naman ang monitoring sa lugar upang tiyakin na walang matitirang kontaminasyon sa nasabing kanal.

Muling nagpaalala ang tanggapan sa responsibilidad ng publiko sa wasto at maingat na pagtatapon ng basura partikular sa mga hazardous waste na maaaring makaapekto sa kalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments