Dahil sa nararanasang tuloy tuloy na pag-ulan noong mga nakaraang linggo sa Dagupan City ay nakitaan ang pag-ipon ng tubig sa mga mababang lugar maging napupuno ang mga drainage canal sa syudad.
Bagamat ganito ay tiniyak ng katuwang na ahensya ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na magpapatuloy ang Flood Mitigation Projects upang maibsan na ang problemang pagbaha sa Dagupan City.
Apektado ang ilan pang estudyante sa lungsod at kaugnay din ito dahil nga umuulan, kahit walang hightide ay binabaha ang syudad. Matatandaan na ipinahayag kahapon ng mga tricycle drivers ang kanilang pag-aalala sa maaaring mga epekto ng tubig baha. Bukod sa abala ito sa kanila ay sa panahon pagbaha ay maaari ring makakuha ng sakit na leptospirosis.
Samantala, hanggang ngayon Idol ay nagpapatuloy ang konstruksyon ng mga malalaking drainage system maging ang mga pag-upgrade ng kalsadahan sa Central business District na maaaring makatulong na sa problemang pagbaha Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments