Tinanggal ang bumabara at nilinisan ang Spillway ng Agno River sa Brgy. Diaz, Bautista upang malayang makaagos ang tubig at ligtas na makadaan ang mga residente sa ibang bahagi ng bayan.
Iminungkahi ng lokal na pamahalaan ang clearing operation sa naturang bahagi dahil umaapaw ang tubig at lubog ang kalsada na nagdudulot ng pahirapang pagtawid ng mga residente.
Ang naturang bahagi ay dinadaluyan ng Agno River bilang isa sa mga tributaryo nito ang Bautista at isa sa mga naapektuhan noong nagpakawala ang San Roque Dam noong kasagsagan ng sunod sunod na bagyo at habagat.
Kaugnay nito, matapos humupa ang pagbaha, ininspeksyon naman ng National Irrigation Administration ang disposisyon ng irigasyon para sa maayos na distribusyon ng tubig at paigtingin ang mga hakbang sap ag-iwas sa baha para sa kabuhayan ng mga magsasaka at mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









