Decomissioning ng mga MILF fighters at kanilang mga armas, tiniyak na dadaan sa mahigpit na proseso

Tiniyak ng Office Of The Presidential Adviser On The Peace Process (OPPAP) na magiging mahigpit, maingat at sistematiko ang proseso ng decommissioning ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

 

Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez, maliban sa pagsusuko ng armas, dadaan din ang mga ito sa ilang seminars at mga aktibidad na magiging gabay nila para sa mapayapang pamumuhay.

 

Nauna nang kinumpirma ni Bangsamoro Chief Minister Murad Ebrahim na isinumite na nila ang listahan ng 12,000 MILF fighters at kanilang mga armas na sasailalim sa nasabing proseso.


 

Kumakatawan ito sa 30 percent ng kabuuang bilang ng MILF forces at una sa tatlong yugto ng “gradual decommissioning process.”

 

ang decommissioning ng mga armas ay kabilang sa mga naging kasunduan sa binuong Bangsamoro Organic Law (BOL).

Facebook Comments