Decontamination procedures ng BFP, lilimitahan na

Lilimitahan na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang decontamination procedures na kadalasang ginagawa sa mga checkpoints at pagpasok at paglabas sa mga gusali.

Tugon ito ng BFP sa anunsyo ng Department of Health (DOH) na hindi nila ito nirerekomenda at wala pang patunay na epektibong nakakapatay ito ng virus.

Bagkus nakakapagbigay pa anila ng masamang epekto sa kalusugan ng tao.


Sa inilabas na memorandum ng BFP, inatasan ang lahat ng mga personnel nito na gawin lamang ang decontamination procedures lalo na kapag gamit ang chlorine-based solutions sa mga indibidwal na may suot lamang ng coverall o level C suit.

Hindi raw dapat gamitin sa mga tao na nakasuot lamang ng regular uniform o public individual na suot ang ordinaryong kasuotan.

Maging ang paggamit ng misting tents ng mga tauhan ng BFP sa pagpasok at paglabas ng kanilang tanggapan ay hindi na rin obligado at inirekomenda na lang na maglagay ng handwashing stations.

Facebook Comments