DECONTAMINATION SA MGA PAARALAN NG MAPANDAN, ISINAGAWA UPANG MAPIGILAN ANG PAGKALAT NG HFMD

Sinuyod ng awtoridad ang mga paaralan sa Mapandan upang magsagawa ng decontamination Bilang pag-iingat sa Hand-foot and mouth disease.
Pinasok ng mga kawani ng decontamination team ang mga silid aralan at nilinis ang mga madalas na hawakan ng mga bata.
Ayon sa lokal na pamahalaan, unang buwan pa lamang ng nobyembre nang magsimula ang decontamination sa mga paaralan nang masugpo at maiwasan ang ang pagkakaroon ng nasabing sakit.

Sinabi ng DOH Region 1, pinakamaraming naitala na tinatamaan ay ang mga batang edad isa hanggang apat na taong gulang at sa pagbabalik ng mga ito sa paaralan kinakailangan maproteksyunan mula dito.
Samantala, ang pagsusuot ng face mask, palagiang paghuhugas ng kamay ay ilan lamang sa mga maaring gawin upang maiwasan ang sakit. |ifmnews
Facebook Comments