DECORP, NAGBIGAY KATIYAKAN SA MGA KONSYUMER SA ORAS NA I-ADJUST ANG MGA POSTENG APEKTADO NG ROAD ELEVATION SA DAGUPAN CITY

Nagbigay ng katiyakan ang DECORP sa mga konsyumer nito na hindi maaapektuhan ang suplay ng kuryente lalo na sa bahagi ng Arellano St. sa oras na i-adjust nila ang mga posteng maaapektuhan ng road elevation project.
Nasa halos tatlumpung poste kasi ang pagmamay-ari ng DECORP na tatamaan ng road project sa bahagi ng Arellano St. kung saan halos hindi na nagkakalayo ang taas ng isinasagawang drainage system sa mga kable ng kuryente.
Nangangamba na rin ang ibang may-ari ng mga establishments at mga negosyante sa mga kable ng kuryente kung saan maaaring masagi ng mga sasakyan at ng mga dumadaan.

Dahil dito, puspusan na ang pagpapatayo ng mga konkretong poste sunod na rin ang pagsasagawa ng clearing operations para sa pagbubunot ng mga posteng mahahagip ng isinasagawang road at drainage system sa lugar. |ifmnews
Facebook Comments