Tinatayang nasa 1% na lang o humigit-kumulang 1,200 kostumer ng Dagupan Electric Corporation (DECORP) ang hindi pa naibabalik ang kuryente, batay sa energization update ng kompanya kahapon, Nobyembre 17.
Ayon sa DECORP, naibalik na ang power supply sa 99% ng halos 126,000 kostumer na nawalan ng kuryente matapos manalasa ang Bagyong Uwan.
Karamihan sa mga hindi pa naaabot ay nasa mabundok na bahagi ng San Fabian, dahilan kaya mas mabagal ang pag-usad ng trabaho ng repair teams.
Ilan ding areas ang kinailangang i-isolate habang inaayos ang mga napinsalang linya at pasilidad.
Patuloy ang operasyon ng mga lineman at technical personnel upang maibalik ang kuryente sa lalong madaling panahon nang may pag-iingat.
Facebook Comments









