Manila, Philippines – Nakahanda ang Department of Justice (DOJ) na bigyan ng katwiran ang pamahalaan na pagbawalan ang mga dayuhan na maki-isa sa mga kilos protesta sa bansa.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, bukas sila sa lahat ng aksyon na kukwestyon sa lahat ng karapatan ng pamahalaan.
Una nang iginiit ng National Union of Peoples’ Lawyer (NUPL) na pinag-aaralan na nila ang posibleng kaso laban sa Bureau of Immigration (BI) matapos arestuhin ang madreng si Sister Patricia Fox.
Iniimbestigahan na rin ngayon ng Commission on Human Rights (CHR) ang nasabing usapin.
Facebook Comments