Inihahanda na ng Region 1 Medical Center ang 450 bed capacities upang ma-accommodate at mabigyan ng serbisyo ang mga tatamaan pa ng COVID-19 dahil sa nagpapatuloy na pagtaas na kaso ng tinatamaan ng sakit sa lalawigan at lungsod ng Dagupan.
Ang muling pag-activate ng kanilang mga COVID-19 bed capacities ay pagtugon sa panawagan ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at pamahalaan lungsod upang mapaghandaan ang mga maaaring pagresponde sa mga ito.
Kaugnay pa nito, mahigpit na ipinapatupad sa Out-Patient Department (OPD) ng R1MC ang ‘No Antigen, No Entry’ sa mga indibidwal na hindi pa bakunado kontra COVID-19 na nagnanais magpakonsulta sa naturang ospital.
Ang mga dadalhin sa emergency room na hindi pa bakunado ay isasailalim muna ng R1MC sa rapid test upang masiguro na sila’y COVID-19 free.
Ang panibagong hakbang na ito umano ay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at health workers na nangangalaga sa mga pasyente nito. | ifmnews