Mas pinagtitibay ang dedikasyon ng mga Certificate of Stewardship Contract (CSC) Holders sa Natividad sa pamamagitan ng seminar upang paigtingin din ang pangangalaga at konserbasyon ng kalikasan.
Layon ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga stewards o tagapangalaga tungkol sa tamang pangangasiwa ng likas na yaman at paigtingin ang kanilang papel sa konserbasyon ng kapaligiran.
Tinalakay sa seminar ang mahahalagang hakbang sa pangangalaga ng kagubatan at mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging CSC holder, na pinagtibay ng mga resource persons mula sa DENR para mapaigting ang pangangalaga at tamang pamamahala sa mga nasasakupang lupain at kabundukan.
Patuloy namang isinusulong ng LGU Natividad ang mas marami pang programang pangkalikasan upang matiyak ang isang mas luntiang kinabukasan sa buong bayan.









