Dedikasyon sa trabaho, dahilan nang pagkakapili kay Lt. General Cirilito Sobejana bilang bagong Philippine Army Chief

Dahil sa kanyang pag-uugali at commitment sa trabaho, kaya napili si Lieutenant General Cirilito Sobejana bilang bagong Philippine Army Chief.

Ito ang opisyal na pahayag ng pamunuan ng Philippine Army matapos na i-anunsyo na ang pagkakapili kay Sobejana bilang Army Chief na ngayon ay kasalukuyang Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Commander.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, welcome sa hanay ng Hukbong Katihan ang appointment ni Lt. Gen. Sobejana.


Aniya, si Sobejana ay pang 62 nang Philippine Army Chief, recipient ito ng Medal of Valor award, ang pinakamataas na militar honor na ibinibigay sa mga matatapang at mga nagsasakripisyong sundalo para sa pagtupad ng kaniyang tungkulin.

Taong 1995 nang makipag-sagupa si Sobejana sa mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Basilan na halos ikamatay na nito dahil sa tinamong tama ng bala ng baril.

Si Sobejana ay papalit kay Philippine Army Chief Lt. General Gilbert Gapay na napili namang susunod na AFP Chief of Staff dahil sa nakatakdang pagreretiro sa serbisyo ni AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr. sa August 3, 2020.

Facebook Comments