Manila, Philippines – Sarado na ang pintuan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga human rights groups lalo na ang mga nasa labas ng bansa na nananawagan na igalang ang karapatang pantao at tapusin na ang war on illegal drugs ng administrasyon.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay kalimutan na ng mga human rights groups ang kanilang panawagan dahil hindi niya talaga pakikinggan ang mga ito at mauuwi lang sa tengang kawali ang kanilang panawagan.
Paliwanag ni Pangulong Duterte, hindi niya babaliin ang kanyang pangako sa taumbayan na wakasan ang problema sa iligal na droga.
Matatandaan na nangangamba na ngayon ang ilang human rights group sa planong ibalik ni Pangulong Duterte sa Philippine National Police ang war on illegal drugs ng administrasyon mula sa Philippine Drug Enforcement Agency.
DEDMA │Mga panawagan na ihinto ang war on illegal drugs, hindi pakikinggan ni P-Duterte
Facebook Comments