DEDMA | Banat ni Joma Sison kay Pangulong Duterte, hindi pinatulan

Manila, Philippines – Hindi na lang pinansin ng Palasyo ng Malacañang sa naging pahayag ni CPP Founding Chairman Joma Sison na si Pangulong Rodrigo Duterte ang number 1 terrorist sa bansa.

Sinabi ni Sison na dahil sa kanselasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng lahat ng pag-uusap para sa kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF ay mas palalakasin pa ng rebeldeng grupo ang kanilang opensiba laban sa gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, karapatan ng lahat na maghayag ng kanilang opinyon.


Pero binigyang diin ni Roque na pinutol ang peace talks dahil hindi nagpakita ng anomang sinseridad ang rebeldeng grupo para makamit ang tunay at pangmatagalang kapayapaan.

Dahil aniya dito at sa patuloy na pag-atake ng NPA sa tropa ng Gobyerno at sa mga sibilyan ay wala nang nakikita pang dahilan ang Pangulo na ipagpatuloy ang peace talks.

Matatandaan na pinaghahanda na ni Pangulong Duterte ang militar at ang PNP para sa opensiba laban sa NPA na ayon sa Pangulo ay kinokonsidera na niyang mga terorista.

Facebook Comments