DEDMA | CHR, hindi kinagat ang hamon na sumama sa Oplan Tokhang ng PNP

Manila, Philippines – Walang balak ang Commission on Human Rights (CHR) na sumama sa pagkatok sa mga bahay ng mga suspected drug personality sa ilalim ng Oplan Tokhang Reloaded.

Ayon kay Jacqueline De Guia, Spokesperson ng CHR, hindi naman pulis ang kanilang mga tauhan para sumama sa mga Law Enforcement Activity.

Idinagdag ni De Guia na wala silang mga tanggapan sa mga munisipalidad at mayroon lamang silang pitong imbestigador na nakatalaga pa sa mga rehiyon.


Aniya, kahit wala sila sa tabi ng mga pulis ay inaasahan nila na mapapantayan nito ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagpakita ng mahusay na performance nang wala namang nangyayaring patayan.

Sa ngayon aniya ay lubhang maaga para sabihin na mahusay na ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang.

Facebook Comments