Manila, Philippines – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tatanggapin ang anumang kritisismo mula sa mga dayuhang bisita.
Ayon sa Pangulo, handa niyang tanggapin ang anumang insulto at kritismo mula sa kapwa Pilipino dahil siya ay isang government worker.
Pero dedma aniya siya sa mga pangungutya ng mga dayuhan dahil hindi naman sila ang nagpapasahod sa kanya.
Kasabay nito, nagbabala ang Pangulo sa nga Western countries na nanghihimasok sa domestic affairs ng bansa at mga katabing bansa sa Asya.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos kanselahin ng Bureau of Immigration (BI) ang missionary visa ng Australian nun na si Patricia Fox.
Facebook Comments