DEDMA | PNoy, dedma sa SONA ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Dedma na naman sa ikatlong pagkakataon si dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagdalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Ayon sa House Inter-Parliamentary Relations Service, nag-paabiso na si Aquino na hindi ito makakadalo sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte.

Wala din naman itong binanggit na dahilan sa hindi nito pagpunta sa SONA.


Sa kabilang banda, ilang mga pulitiko na ang nagpasabing dadalo sa SONA kabilang dito sina dating Pangulong Fidel Ramos at dating Pangulong Joseph Estrada.

Dadalo din sa SONA si Vice President Leni Robredo.

Nagpasabi na rin ang mga dating Senate Presidents na sina Juan Ponce Enrile, Aquilino “Nene” Pimentel, Manny Villar at dating House Speaker Jose de Venecia Jr na pupunta sa SONA.

Sinabi naman ni House Secretary General Atty. Cesar Pareja na nasa tatlong libo ang mga bisita na inaasahang dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments