DEDMAHIN NALANG | Mga joke ni Pangulong Duterte, hindi na dapat pansinin – Sen. Sotto

Manila, Philippines – Para kay Senate President Tito Sotto III, makabubuting huwag na lang pansinin ang mga biro ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Sotto makaraang ulitin na naman ni Pangulong Duterte ang biro na siya ay gumagamit ng Marijuana.

Magugunitang sinabi ng Pangulo na gumamit siya ng Marijuana para manatiling gising sa kanyang pagdalo sa 33rd ASEAN Summit.


Inulit muli ng Pangulo ang joke nitong Lunes ng tanungin nya kung sino ang may Marijuana dahil siya ay inaantok.

Paliwanag ni Sotto, hindi naman maaring magpawala ng antok ang Marijuana dahil ito ay pampakalma.

Sabi ni Sotto, Inaasar na lang at pinagtatawanan ni Pangulong Duterte ang mga sumasakay sa kanyang mga pagbibiro.

Facebook Comments