Deepfake video ni PBBM, kagagawan lamang ng isang tao ayon sa CICC

Naniniwala ang isang opisyal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na isang indibidwal lamang at hindi isang bansa ang nasa likod ng ”deepfake” video ni Pangulong Bongbong Marcos na kumalat online.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi CICC Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay hindi nila nakikita na isang partikular na bansa ang nagmanipula ng video.

Kumbinsido rin si Magsaysay na walang kinalaman ang video sa Balikatan annual joint military exercises ng Pilipinas kasama ang Amerika.


Matatandaang itinanggi ng Presidential Communications Office (PCO) na si PBBM ang nasa video kung saan tampok ang boses ng pangulo na nag-aatas sa militar na gumawa ng aksiyon laban sa isang bansa.

Nilinaw din ng PCO na walang ganoong direktiba si Pangulong Marcos at ang audio “deepfake” ay nilikha gamit ang generative artificial intelligence (AI).

Facebook Comments