Sports – Umiskor ng trenta’y nuwebe puntos si Ben Mbala para pangunahan ang defending champion De La Salle Green Archers sa 106-100 panalo kontra sa U-E Red Warriors sa pagpapatuloy ng men’s basketball ng Season 80 ng UAAP.
Ito ang ikalimang panalo ng Green Archers kontra sa isang talo.
Gumawa naman ng record-breaking 49 points si Alvin Pasaol pero hindi pa rin nito napigilan na malasap ng Red Warriors ang kanilang ikaanim na sunod na talo.
Samantala, nagwagi naman ang Adamson Soaring Falcons kontra U-P Fighting Maroons, 73-71 sa last second putback ni Sean Manganti.
Umaangat sa 4-2 win loss slate ang Adamson habang may pantay na 3-3 record ang U-P.
Facebook Comments