DEFENSE BUDGET | Dagdag pondo, panawagan ng DND sa mga mambabatas

Manila, Philippines – Humihiling ang Department of National Defense (DND) sa mga mambabatas ng dagdag pondo para sa defense budget ng bansa.

Ito ay dahil sa ulat na ngayong taon ay nagtaas ang China ng defense spending o gastos sa pandepensa na umaabot na sa 175 billion dollars.

Sabi ni Defense spokesperson Arsenio Andolong, wala pang isang porsyento ng GDP o Gross Domestic Product ng Pilipinas ang inilalaan para sa Defense budget.


Hindi aniya sapat sa kanilang pondo ngayon ang pagpapatayo ng mga defense facility at infrastructure ng bansa.

Ang China ay isa sa mga bansang kaagaw ng Pilipinas sa mga isla sa West Philippine Sea.

Facebook Comments