Aasahan ang mas magandang kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Saudi Arabia.
Ito ay matapos na mag-usap sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino at Saudi Arabian Ambassador to the Philippines His Excellency Adnan Alonto.
Nag-courtesy call ng ambassador sa AFP chief kahapon sa Camp Aguinaldo.
Pinag-usapan ng dalawang opisyal ang posibilidad ng pagkakaroon ng defense cooperation agreement sa pagitan ng dalawang bansa.
Maging ang posibilidad na paglalagay ng Defense and Armed Forces Attaché sa embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia.
Ang Saudi Arabia ang tradisyonal na pangunahing destinasyon ng mga Overseas Filipino Workers bago mag-pandemya.
Facebook Comments