Defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia, tinalakay

Aasahan ang mas magandang kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Saudi Arabia.

Ito ay matapos na mag-usap sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino at Saudi Arabian Ambassador to the Philippines His Excellency Adnan Alonto.

Nag-courtesy call ng ambassador sa AFP chief kahapon sa Camp Aguinaldo.


Pinag-usapan ng dalawang opisyal ang posibilidad ng pagkakaroon ng defense cooperation agreement sa pagitan ng dalawang bansa.

Maging ang posibilidad na paglalagay ng Defense and Armed Forces AttacheĢ sa embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia.

Ang Saudi Arabia ang tradisyonal na pangunahing destinasyon ng mga Overseas Filipino Workers bago mag-pandemya.

Facebook Comments