Defense Department, bineberipika na ang ulat na may US Air Force aircraft na nagpanggap na Philippine aircraft habang tumatawid sa Yellow Sea

Inaalam na ng Department of National Defense (DND) ang katotohanan sa ulat na may US Air Force aircraft na nag- “disguise” o nagpanggap na Philippine aircraft habang tumatawid sa Yellow Sea.

Ang Yellow Sea ay ang marginal sea sa Western Pacific Ocean na makikita sa pagitan ng Mainland China at Korean Peninsula.

Ang umano’y pagpapanggap ay batay sa ulat ng South China Sea Strategic Situation Probing Initiative na nalathala sa South China Morning Post nitong September 24.


Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakikipag-ugnayan na sila sa US Embassy para malaman ang totoo.

Batay pa sa lumabas na report, isang RC-135S reconnaissance aircraft ang gumamit ng hex code na naka-allocate sa Philippine aircraft habang tumatawid sa Yellow Sea.

Ngunit bumalik ito sa original number nito matapos makumpleto ang misyon.

Ang hex codes ay registration na naka-assign sa lahat ng aircrafts na nasa ilalim ng International Civil Aviation Organization.

Facebook Comments