Defense Department, hindi makiki-alam sa ilalatag na guidelines ng PNP kaugnay ng community quarantine sa Metro Manila

Ipinauubaya na ng Department of National Defense sa Philippine National Police (PNP) ang paglalatag ng protocols kaugnay sa ipatutupad na restricted movement sa Metro Manila simula sa March 15.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang PNP ang  naatasang maglatag ng plano para ipatupad ang travel restrictions para sa papasok at palabas ng Metro Manila.

Kumpiyansa si Lorenzana na mayroon nang nabuong guidelines ang pnp sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para ipatupad ang naging kautusan ng Pangulo.


Susuporta na lamang aniya sila sa ipapatupad na protocol ng PNP.

Una nang tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Filemon Santos Jr. na mayroon silang sapat na puwersa mula sa joint task force National Capital Region upang umayuda sa PNP partikular sa pagdedeploy sa mga checkpoints.

Facebook Comments