Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na plano ng Department of National Defense (DND) na bumili ng mga bagong helikopter sa Republic of Korea.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim kasabay nang pagbati sa bagong talagang Republic of Korea Minister of National Defense na si Suh Wook.
Ayon kay Lorenzana, ang mga bibilhing ay UH-1H at MD500 helikopter.
Bukod sa pagbili ng mga helicopter, plano rin ni Lorenzana na magsagawa ng Joint Visual Inspection (JVI) sa fourth quarter ng 2020.
Aniya, gagawin ang Joint Visual Inspection kasabay ng pagsunod sa biosafety protocols dahil sa nararanasang COVID -19 pandemic.
Lalahukan ito ng mga representante mula sa DND at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi pa ni Lorenzana na sa ngayon, nasa exploratory stage pa ang mga plano sa pagbili ng South Korean UH-1H at MD500 helicopters.
Ang kabuuang detalye aniya sa pagbili ng helikopter partikular ang timeline at quantity ng assets ay isinasapinal pa.