Defense modernization, isa mga highlight ng SONA ni PBBM

Inaasahang magiging isa sa mga highlight ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang defense modernization ng bansa.

Batay ito sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO) base na rin sa isang panayam kay Defense Secretary Gilberto Teodoro.

Nilinaw naman ni Defense Secretary Teodoro na ang pagsasamoderno ng depensa ng bansa ay makakapigil sa anumang uri ng pananakop o pagsalakay at pagpapaangat sa kabuuang integridad ng Pilipinas.


Paglilinaw pa ng kalihim na ang pagpapaangat ng kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at defense capabilities ay para sa security engagements, pasilidad at overall integrity ng bansa.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Marcos Jr., na committed ang kanyang administrasyon para sa pagprotekta sa teritoryo ng bansa at paghangad ng independent foreign policy.

Punto kalihim patuloy na nakatuon ang kanyang administrasyon sa pangangailangan at pagpapatuloy ng pagbibigay ng pondo para sa AFP modernization program lalo na sa pagsasaayos ng mga pasilidad at sistema.

Binigyang diin din ng pangulo ang pangangailangan na mas sanayin ang mga sundalo para sa operasyon at pagpapanatili ng military equipment.

Sa ngayon ayon pa sa kalihim, target ng Department of National Defense (DND) na magkaroon ng nontraditional allies para makatulong sa pagsasamoderno ng defense system para sa Pilipinas.

Facebook Comments