Defense Sec. Delfin Lorenzana, “multi-nation” ang problema sa West Philippines Sea

Iginiit ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi lamang ang China ang pumapasok sa 200-Nautical Mile Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon kay Lorenzana, may ilang barko mula sa Malaysia at Vietnam din ang pumapasok sa ating karagatan.

Aniya, may ilang bansa na ang may features sa loob ng ating EEZ kung saan 11 sa Vietnam, isa sa Malaysia, siyam sa atin, at tatlo sa China.


Binigyang diin ni Lorenzana na ang sigalot sa West Philippines Sea ay multi-nation problem at hindi lamang nakatuon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Aminado ang Defense Department na limidato pa lamang sa ngayon ang kakayahan ng Pilipinas na tumugon sa Foreign Intrusions.

Facebook Comments