Defense Sec. Gibo Teodoro, tinawag na hipokrito ang China sa pahayag nitong nakasisira ang BRP Sierra Madre sa karagatan

Tinawag na hipokrito ni Defense Secretary Gibo Teodoro, ang pahayag ng China na nagdudulot ng pinsala sa karagatan ang nakasadsad na BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Teodoro, China ang patuloy na sumisira sa WPS sa pagsasagawa ng iligal na reclamation activities sa South China Sea.

Dagdag pa ng kalihim, napatunayan din silang lumabag sa international law sa 2016 The Hague Arbitral ruling nang mapatunayang sinisira ng mga nasabing aktibidad ang karagatan.


Pinapatunayan lang aniya ng mga pahayag ng China na hindi sila sincere sa Pilipinas kaya magreresulta ito para hindi pagkatiwalaan ng mga Pilipino at ng buong mundo ang Chinese government.

Facebook Comments