Inaasahang magpulong ngayong linggo sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at University of the Philippines (UP) President Danilo Concepcion para plantsahin ang mga isyu sa pagpapawalang bisa sa 1989 Soto-Enrile accord.
Ito ay matapos manawagan ang ilang opisyal ng gobyerno na mag-usap sina Lorenzana at Concepcion para talakayin ito sa halip na magbatuhan ng pahayag sa traditional at social medial.
Ayon kay Lorenzana, nakiusap siya sa isang kaibigan na pangasiwaan ang kanyang pulong kay Concepcion.
Nakikinig aniya siya sa mga payo at bukas siyang makipagdayalogo.
Sa ilalim ng DND-UP accord, ang mga sundalo ay hindi pinapayagang pumasok sa UP campuses kapag walang pahintulot sa pamunuan ng unibersidad maliban na lamang sa hot pursuit operations at emergency cases.