Tuesday, March 17, 2026

Defense Sec. Teodoro, hinamon ang grupo ng mga retiradong militar na maghain ng pormal na reklamo upang patunayan ang umano’y nilulutong kudeta

Hinamon ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang grupo ng mga retiradong militar na maghain ng pormal na reklamo kung may ebidensya ang mga ito sa nilulutong kudeta ng umano’y “Third Force” laban sa administrasyong Marcos.

Ayon kay Teodoro, walang natatanggap na impormasyon ang Department of National Defense (DND) sa nasabing kudeta.

Ayon pa sa kanya, sa mga nagsasabi nito, dapat isumite nila ang kanilang affidavit sa law enforcement at prosecutorial authorities para pormal ding maimbestigahan.

Ang pahayag na ito ni Teodoro ay kasabay ng ikinasang outreach program ng DND at pamamahagi ng mga fertilizer sa mga magsasakang maaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo.

Una nang sinabi ni retired General Romeo Poquiz sa kanyang Facebook post na mayroon umanong “Third Force” na nagbabalak na magkasa ng isang “Kudeta Me” laban sa administrasyon.

Facebook Comments