Defense Sec. Teodoro, iginiit na dapat nang amyendahan ang 15 taon na Disaster Risk Reduction Law

Binigyan-diin ni Defense Secretary at NDRRMC Chairman Gilberto Teodoro Jr., ang pangangailangan na maamyendahan ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction, sinabi ni Teodoro, na dahil sa mga pagbabago sa sitwasyon at karanasan sa field, may mga gaps na kinakailangang punan at mga prosesong dapat pasimplehin.

Layon aniya nito na mas mapagtuunan ng pansin ang mga hakbang ng gobyerno sa disaster risk reduction.


Samantala, ibinahagi rin ng kalihim ang inisyatibong El Niño portal na ngayon ay magiging permanenteng disaster risk reduction portal.

Ito aniya ay magiging kapaki-pakinabang para sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagpaplano at pagbibigay ng datos.

Hinimok din nito ang publiko na palakasin ang diwa ng bayanihan upang mas maging handa ang mga komunidad sa pagharap sa mga kalamidad.

Facebook Comments