Defense Sec. Teodoro, nagpaabot ng pagbati sa mga kapatid nating Muslim kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha

Kasabay ng pagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice, nagpaabot ng kanyang pagbati si Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng kalihim na ang okasyon ay isang panawagan ng pagtitiwala kay Allah sa kanyang karunungan at plano.

Gaya na lamang aniya ng ginawang pagtitiwala ni Propeta Ibrahim kay Allah matapos nitong ialay ang kanyang anak na si Ishmael.


Hangad ng kalihim na tanggapin nawa ni Allah ang Hajj o ang pagtungo sa banal na lungsod ng Meccah ng mga Muslim na siyang sentro ng nasabing pagdiriwang.

Panalangin din ni Teodoro para sa bansa ang kapayapaan at pagkakaisa ng lahat bilang isang bansa base narin sa kalooban ni Allah.

Facebook Comments