Defense Secretary Delfin Lorenzana, may mensahe sa mga medical frontliners

Huwag nang magtampo.

Ito ang naging mensahe ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga health care workers kasunod ng pagpapabakuna ng ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Aniya, wala pa sa tatlong daan ang bilang ng mga PSG na nabakunahan ng COVID-19 vaccine mula China kaya’t hindi ito sasapat sa dami ng mga health care workers at frontliners sa bansa.


Kasabay nito, tiniyak ni Lorenzana na sila pa rin ang prayoridad sa bakunang aangkatin ng pamahalaan na sasapat sa kanilang bilang.

Inaasahang May 2021 darating ang unang batch ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Samantala, iginiit din ni Lorenzana na wala itong alam sa nangyaring pagpapabakuna ng ilang miyembro ng PSG at kung sino ang nag-donate ng bakuna sa kanilang hanay.

Habang itinuturing din niya itong ‘smuggled’ items dahil wala itong pahintulot mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments