Defense Secretary Lorenzana at French Ministry for Europe and Foreign Affairs official, nagpulong sa Camp Aguinaldo

54

Nagkita at nagpulong sa Camp Aguinaldo sa Quezon City sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Director for Asia and Oceania Bertrand Lortholary ng French Ministry for Europe and Foreign Affairs.

Sa pulong ng dalawang opisyal, binigyang-diin ni Lortholary na prayoridad ng France ang Africa at ang Indo-Pacific sa ilalim ng kanilang pamumuno sa Council of the European Union (EU) sa 2022.

Sinabi pa nito na patuloy na interes ng France na manatili ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.


Muli namang iginiit ni Lorenzana na patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa ibang claimant states ng pinagtatalunang teritoryo sa pamamagitan ng mapayapa at diplomatikong paraan.

Ang maikling pagbisita ni Lortholary sa Manila ay bahagi ng kaniyang working tour sa Southeast Asia.

Facebook Comments