Defense Secretary Lorenzana, idinepensa ang mga sundalong pinaparatangang sangkot sa pangagahasa sa mga babae sa Marawi City

Marawi City – Umalma ang Department of National Defense sa mga paratang laban sa mga sundalo sa marawi na umanoy ginagahasa ng mga ito ang mga babae sa lungsod.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na isinailalim sa maraming pagsasanay kaugnay sa gender sensitivity training ang lahat ng kanilang sundalo sa ilalim ng kanilang programang Gender and Development (GAD) program.

Nililinaw din ng kalihim na ang mga sundalo at pulis ay pinadala sa Marawi City para labanan ang mga terorista na gustong gawing pugad ang Marawi para sa kanilang kasamaan at hindi para gumawa ng kahihiyan sa organisasyon.


Sa katunayan aniya ngayong araw ay 70 sundalo at pulis na ang nagbuwis nang kanilang buhay para ipagtanggol ang Marawi at ang mga residente nito.

Facebook Comments