Manila, Philippines – Maging si Defense Secretary Delfin Lorenza ay kontra din sa ginawa ng Kamara na pagbibigay ng 1,000 na budget sa Commission on Human Rights o CHR.
Sa panayam dito sa Senado ay ikinatwiran ni Lorenzana na ang CHR ay isang constitutional body na dapat pondohan, maliban na lang kung plano na itong buwagin.
Diin ni Lorenza, mahalaga ang mandato ng CHR lalo na sa prinsipyo ng check ang balance.
Dagdag pa ni Lorenzana, ang CHR ang nagsisilbing gabay sa mga sundalo at pulis na mag ingat sa pagtupad ng kanilang tungkulin at tiyaking walang malalabag na karapatang pantao.
Naniniwala din si Lorenzana na may magandang relasyon ang CHR at ang militar.
Si Secretary Lorenzana ay nagtungo sa Senado para sa pagbusisi sa 195-billion pesos na panukalang pondo para sa DND sa taong 2018.